Daluyong (Surge)

Pinatay ko na ang ilaw habang umuuga (pa rin) ng walang humpay ang kama. Bumulong ako sa kanya. Tumugon naman ng pagaspas ang mga alon.

Hindi matigil ang pagyugyog. Wala ako sa sarili ko. Tatlong taon ko nang hindi nakikita si Lovely, si Jan-Jan, si Lexter. Magiging ganito na lang ba ako rito? Mukhang ganoon na nga. Tatlong taon na ako dito pero hindi pa din ako makatulog ng matino.

San Antonio de Padua, San Nicolas de Myra, Santa Eulalia de Barcelona, Nuestra Señora de Guia, pakigabayan na lang kami sa aming paglalakbay. Panginoon ko, kayo na po ang bahala sa pamilya ko. Sana napapagkasya nila yung ipinapadala ko sa kanila.

San Antonio de Padua, San Nicolas de Myra… Teka lang, saan ko na nga ba nalagay yung tira kong sigarilyo kanina?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s