Ilang Mga Katanungang Nabigyang-Kasagutan (sa ask.fm)

  • Paano mo gustong ipagdiwang ang iyong kaarawan?

Magdeklara ng holiday na para sa akin, papuntahin ang lahat ng Hollywood (and Bollywood) actors sa Araneta Coliseum upang magperform sa harap ko mismo at pakainin ng sustenable ang lahat ng mga nagugutom at homeless.

  • Dahil kilala kita, alam kong competent ka para sagutin ang katanungang ito. Anong sekreto para maging matatag sa kahit na anong hamon ng buhay?

Tiwala sa Panginoon at pagmamahal ng mga taong nasa paligid mo. Lahat naman tayo ay nakararanas ng mga pagsubok kung saan gusto na nating bumita at itigil ang lahat. Pero dahil sa mga taong nagmamahal sa atin, kinakaya natin ang lahat ng dagok at pagkatapos, nagugulat na lang tayo na atin na palang nalapgpasan ng matagumpay ang mga pagsubok.

  • Ano ang favorite book mo sa Bible at bakit?

Philippians. Yan yung book na una kong nasaulo ng buo. Masaya rin siyang basahin. Kahit isinulat siya ni Apostle Paul habang siya’y nakakulong, hope at rejoicing ang primary themes ng book.

  • Ano ang opinyon mo sa Sin Tax Law? Gamitin ang Conflict Perspective bilang konteksto.

SINO KA? Ikaw ba ay isa aking mga propesor? Anyway, sisimulan ko ang aking paglalahad sa isang katanungan: mababawasan nga bang tunay ng isang Sin Tax law ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa?

Kung ang mga ekonomista ang tatanungin, ang kanilang isasagot marahil ay hindi. Kung pagbabatayan ang pagiging elastiko o hindi elastiko ng demand, masasabing hindi elastiko ang demand sa sigarilyo. Ibig sabihin, hindi basta-bastang maapektuhan ng pagtaas o pagbaba ng presyo ang bilang ng mga kumokonsumo ng sigarilyo. May sangkap ang sigarilyo na nakapagdudulot ng pagkahumaling sa sinumang makasisinghot nito.Kung gayon, ano pa ang esensya ng World No-Tobacco Day? Sa artikulo ni Tan (“Smoke out”), kanyang isiniwalat na mariin ang nagiging pagtutol ng mga kompanya ng tabako sa mga regulasyong nagpapahina sa konsumo ng sigarilyo sa bansa. Kung gayon, hindi nakapagtataka kung bakit lumalaganap pa rin ang mga parokyano na nahuhumaling sa paghithit ng gadaliring stick na ito. Panay mga nasa menor de edad pa ang madalas na mamimili ng sigarilyo, ayon sa mga pag-aaral. Maaari ring makabili ng tingi-tingi nito sa mga tindahan. Walang mga restriksyon na ipinatutupad sa pagkonsumo ng sigarilyo. Kay daling mahanap, kay daling mabili.

Ang pagpapatupad ng Sin Tax Law sa bansa kamakailan lamang ay hindi isang garantiya na masasawata na ang lumalaking tantos ng cigarette consumption sa bansa. Sa katotohanan, maaari pa itong magdulot ng iba pang mga negatibong implikasyon. Halimbawa, direktang maaapektuhan sa polisiyang ito ang mga magsasaka ng tabako sa Hilagang Luzon. Maaaring bawasan ng mga kompanya ng tabako ang kanilang ipinansasahod sa mga magsasaka dahil sa nakaambang gastusin dulot ng buwis. Maaari ring tumaas ang tantos ng kriminalidad sa bansa. Dahil may addictive content ang sigarilyo, gagawin ng isang masugid na suki ang lahat ng kanyang maiisip upang mabili lamang ang kanyang pinakaaasam. Maaari rin siyang lumipat sa mas murang alternatibo (kagaya ng ipinagbabawal na gamot) kung hindi na kaya ng kanyang bulsa ang sigarilyo. Subalit hindi ibig sabihin na mapupunta sa walang-kabuluhan ang pagpasa ng batas na ito. Ipinakita lamang nito na maaaring maging isang pangunahing puwersa ang pamahalaan sa pagkubkob sa mga balakin ng mga malalaking kompanya upang mapalaganap ang mga pansarili nitong interes. Sapagkat ang buwis na ito ay maituturing ding kita sa hanay ng pamahalaan, maaari itong magamit ng huli sa mga proyektong pangkaunlaran na siyang mapakikinabangan ng lahat.

  • Ano ang unang pumasok sa isip mo nang mabasa mo ang tanong na ito?

Ang aking magiging kasagutan sa tanong na ito. Haha.

Para sagutin ang tanong na ito, ang unang sumagi sa aking isipan ay ang chicharon. Hindi ka naman nagtanong ng bakit kaya hindi ko na ipaliliwanag kung bakit.

  • Paano ka pinakamabuting natututo: sa pamamagitan ng pakikinig, panonood, pagbabasa o paggawa?

Sa lahat. Nakatutuwa ang pakikinig, nakaaaliw ang panonood, nakagagaan ng loob ang pagbabasa at nakahahamon sa sarili ang paggawa. Magiging ganap na conducive ang pagkatuto kung gagamitin ang lahat ng nabanggit bilang learning modalities.

  • Paano mo mailalarawan ang “matalino”?

Magandang tanong para sa araw na ito.

Dahil nga napaka-credit-oriented na ng ating society ngayon, ating nae-equate ang talino sa mataas na grades, perfect score sa tests, consistency sa pagiging honor student, etc. ibig sabihin, kung hindi ka ganito, hindi ka matalino. Nakalulungkot dahil masyadong makitid yung pakahulugan natin sa napakalawak na konseptong ito.
Dahil sa postmodernism, naipakilala ni Howard Gardner sa mundo ang Theory of Multiple Intelligences. Aniya, may iba’t ibang kategorya ang katalinuhan ng isang tao. Namely, these are: spatial, linguistic, logical-mathematical, bodily-kinesthetic, musical, interpersonal, intrapersonal, naturalistic, existential and moral. Mayroong mga tao na hindi namamayagpag sa academics subalit naghahari sa mundo ng sports. Meron namang hindi gaanong magaling sa sports subalit napakahusay sa pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa-tao. Mayroon naman na napakahusay sa ahat ng larangan (jack/jill-of-all-trades ang peg) ngunit hindi ganoon kaganda ang asal at pag-uugali.

Conclusion: Multidimensional at multifaceted ang talino. Hindi lamang ito nasusukat sa grado at recognitions. Madalas man sa hindi, ang hindi tamang pagdaralumat sa salitang “talino” ay nagdudulot ng negative stereotypes and, to some extent, discrimination sa sinumang hindi tumutugon sa mga pamantayan na ginawa ng lipunan sa kung sino ang matalino.

Ang tunay na matalino, para sa akin, ay yaong taong kahit salat man sa kaalaman sa general knowledge, mathematics, economics or physics, ay mayroon namang malawak at bukas na pag-iisip na nakauunawa sa mga tunay na kaganapan sa kanyang paligid.

  • Alam kong fan ka ng The Big Bang Theory. Ano ang favorite episode mo at sino ang iyong favorite character?

Yeah, I’m a huge fan. Just finished watching Season 6, Episode 13.As for the fave episode, bet ko ang “The Bath Item Gift Hypothesis” kung saan niyakap ni Dr Cooper sa kauna-unahang pagkakataon si Penny. Actually, every episode is my favorite as the performance of the ensemble cast is worth lauding. Favorite kong characters ang ShAmy. The’yre just so cute, both of them. Sa totoong buhay, I must say na bagay sina Jim at Mayim. Anyway, iyan ay ibang subject matter na. I also love Penny, since her sharp social sense balances the positivist nerdy personalities of Sheldon, Leonard, Howard and Raj. And oh, favorite ko rin si Bernadette. She’s just so lovely.

  • Ano ang favorite subject mo sa school at bakit?

History at geography. Mas OK ako sa social sciences kaysa sa physical sciences. Pero favorite ko rin ang Biology, since I love life as Biology is, literally, the study of life.

  • Magbigay ng tatlong mga bagay na hindi mo pa nagagawa, ngunit gustong gawin?

1. Magkaroon ng sariling bahay na may malaking library.
2. I-circumnavigate ang mundo at tuklasin ang mga hiwaga na hatid ng bawat bansa.
3. Makalakad sa moon (subalit medyo imposible ito).

  • Kamusta ang thesis?

OK naman. Medyo patapos na ako sa data gathering stage. Off to cross case analyzing na ako. Haggard pero masaya. Ang aking motto: push lang ng push.

  • Kung may babaguhin ka sa iyong sarili, ano ito?

The million dollar question. Cliche na kung cliche pero wala talaga. Nilikha akong ganito at ako’y kontento na rito. Hindi na ako naghahangad na maging si Brad Pitt, Ashton Kutcher o kung sino pa mang aesthetically-attractive personalities.

  • Kokopyahin mo ba ang sarili mo para dumami kung magagawa mo?

Hinding-hindi. Ang bawat isa ay may kakanyahan (uniqueness) na taglay. Kung kokopyahin ko ang aking sarili para dumami ang mga kagaya ko, mawawala na ang esensya ng kakanyahan.
Subalit ayon sa astrophysicists, kung ang kalawakan (universe) nga ay infinite, may possibility na mayroong nag-e-exist na isang exact copy ng ating sarili somewhere in the universe. Interesting.

  • Mas gusto mo bang mapag-isa o nasa paligid ng mga tao?

Mas gusto kong mapag-isa. Hindi kasi ako ganoon ka-friendly, ‘yung tipong ako ang unang lalapit sa iyo upang makipagkaibigan. I have poor sociability skills but lucky I’m not anti-social. Not even a hikikomomori.

  • Sino ang pinakagusto mong makasamang makulong sa elevator?

OK lang naman marahil kahit sino, basta hindi claustrophobic. If I were to cite specific personalities, gusto kong makulong kasama si SpongeBob Squarepants. Wait, ayaw ko palang makulong kasama ang isang celebrity – be it Hollywood or otherwise. Ayaw kong maging laman ng showbiz reports. Syempre, there’s a tendency na ikaw ay mai-implicate sa insidenteng ito. I just want a serene life.

  • Saan ka ipinanganak?

Parañaque City, Metro Manila, Philippines.

  • Dapat ba tayong magbasa ng napakaraming mga libro?

“Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa…bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya.” -Bob Ong, Stainless Longganisa
Oo, sapagkat iba ang ligayang naidudulot ng pagbabasa. Gustung-gusto ko talagang magbasa. Ang dami ko pa kasing dapat matutunan at sa pagbabasa ko madalas na natatagpuan ang mga kasagutan sa mga tanong ko.

Kung may mga katanungan kayo sa akin, mangyari lamang na i-post ito sa http://ask.fm/jrjison.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s