Pneumonia*

“Hindi ko na alam ang gagawin, Mando. Tatlongdaan na lang ang pera ko dito. Tatlongdaan.”

“Kumalma ka lang, Sely. Sige, ah – susubukan kong makahiram kay Kuya.”

“Por Diyos, Por Santo, Mando. Hindi ko na alam ang gagawin. Pneumonia daw sabi ng mga doktor. Pneumonia. Diyos ko, Mando. “

“Pneumonia kay Tantan? Sampung taong gulang pa lang ang bata. Paanong pneumonia?”

“Hindi ko rin alam Mando. Sabi ng doktor, kailangan ko pang ipa-test ang dugo ni Tantan, P400 iyon Mando. Saan tayo kukuha no’n?”

“Kumalma ka lang, Sely. Ako na ang bahala sa pera. Basta bantayan mo diyan si Tantan.”

“Mando, dalawang libo ang renta sa makina na tumutulong kay Tantan na huminga. Sabi ng doktor, kailangan na daw marenta ‘yon. Kailangan mo nang pumunta dito, Mando.”

“Uutang na ako kina Tata Mendong kahit mataas ang interes. Magkita tayo sa may entrance ng ospital.”

“Sely, narinig mo ba ako? Sely? Sely?”

 

*Dagli ukol sa pribatisasyon ng mga serbisyong pangkalusugan (Note: Ang mga salitang “dito” at “daw” sa halip na “rito” at “raw” ang ginamit upang lumapat sa konteksto ng kwento.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s