Sky Flakes*

Image

Hindi isinara ni Val ang pinto ng Library ng pumasok siya roon. Sa kanyang pakiwari, wala na siyang lakas upang gawin pa ito. Pagpasok, kaagad na hinanap nito ang “Fundamentals of Midwifery, Gordon and Stout, 1968.” Sa isang maliit na bulwagan, madaling matutunton kung saan nakalagak ang makalumang artifact.

Narinig niya na naman kanina ang bulung-pulungan ng mga Manang ng katedral sa tuwing dumaraan ito sa tarangkahan: “Ambot sanang estatwa nga ina, waay sinina. Kinsa mang tawhana ina?” – Ewan ko sa estatwang iyan na walang damit. Sino ba iyan? Bagong tanawin sa SHS ang rebultong nakahubad. Bago sa mata ni Val. Bago sa Palo. Bago sa mata ng lahat.

Wala na siyang oras upang isipin pa iyon. Mag-a-ala-una na. Kailangan niya nang pumunta sa Lilim. Mas mainam nga na sa ilalim kami ng gemilina nagkaklase, bulong niya sa sarili. Malamig, mahangin, mas malapit kay Inang Kalikasan.

Nauna siya, umupo sa damuhan subalit nakaramdam ng kagyat na pagkahilo. Kinuha niya ang kapirasong Sky Flakes sa bulsa at nginuya na animo’y gamot ito sa kasalukuyang nararamdaman. Natuwa siya. Binuklat niya ang tangang libro.

Nasa bandang kalagitnaan na ang talakayan ng maya-maya pa’y may sumigaw sa likuran: “Sir, si Val!”

*Dagli ukol sa kalagayan ng mga estudyante sa UP Manila School of Health Sciences – Palo, Leyte

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s