Throat Infection

Pwede naman sigurong umupo, ‘di ba? Kanina pa kasi ako rito nakatayo. Buti hindi napapagod si Mom sa kadadakdak. Sa paulit-ulit na lang na litanya niya sa akin gabi-gabi, halos na-memorize ko na ang parati niyang sinasabi sa akin.

“Patty, may boses ka. At hindi lang basta-basta boses iyan. Maganda yung boses na nasa iyo. Bakit hindi ka kumanta sa simbahan at gamitan mo iyan sa Panginoon?”

At ito naman ang paulit-ulit kong sinasabi sa kanya.

“Sa church? Duh! How cheap! I won’t stoop down to that level! I’ve sung to lots of people na. Sa famous singing competitions. Sa talent searches sa TV. In all truth and fairness, I just wanna say na hindi na diyan ang level ko. I am not the old-fashioned, church-type singer as you think I am.”

“Patty, naririnig mo ba yang sarili mo? Hindi ka kakanta sa tao. Kakanta ka sa Panginoon!”

“Whoever, Mom! Total, ikaw naman ang may gumustong kumanta ako, what if kung ikaw na lang ang kumanta doon. That would be nicer, I suppose.”

Simula nang may makasalubong si Mom na Baptist Pastor sa supermarket at matanggap niya ang ‘gift of salvation’ na sinasabi niya [and I just don’t care kung anuman iyon], nag-iba na siya. Total overhaul. As in change kung change. Naging prayerful na siya [na dati ay hindi naman], frequent Bible reader, regular attendee ng Prayer Meetings, Coffee Fellowships at iba pang pinaggagagawa ng mga katauhan sa simbahan. Mag-iisang taon na rin siyang ganyan. So weird, as for me. In fact, sinubukan niya akong dalhin minsan sa church but all her attempts were just mere failures. Masaya na ako sa aking buhay. Sa pagiging isang singer.

By the way, I am Patrice Dominique Adleo. My nickname is Patty. Maganda ako, at lalo na ang boses ko. I can sing and compose songs. Kaya ko ring tumugtog ng piano at violin. Ang aking singing prowess? Very promising. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili kong chair pero minamani ko lang ang “I Will Always Love You” ni Whitney Houston, “The Prayer” ni Celine Dion at “Listen” ni Beyonce Knowles. Kung nagkataon nga lang na isa akong American citizen, sigurado ako na makakahanap ng katapat sina Jessica Sanchez at Phillip Phillips in the persona of me, Patrice Dominique Adleo.

Hindi ako nagyayabang. After all, I am not a braggart. I am just a singer – an honest singer. Nagsasabi lang ako ng totoo. Sabi nga ni Mom, in-born daw ang talent ko. Na-inherit ko raw kay Dad. And with that, may naalala naman akong ‘words of wisdom’ mula sa mahal kong ina.

“Kung anuman ang mayroon tayo ngayon Patty, lahat ng iyon ay galing sa Panginoon. Iyang talent mo sa pag-awit, galing iyan sa Panginoon.”

“Mom, I know, right. Truly, God is so wise dahil sa akin niya binigay ang talent na ito. And I just thank Him for that.”
“Kung ganoon anak, ibig sabihin ba niyan ay pumapayag ka nang kumanta sa church ngayong darating na Wednesday, sa Prayer Meeting?”

“What?! Mom, that won’t happen. At isa pa, kailangan kong i-preserve ang aking voice because I will be singing sa school sa makalawa. Oh, I might as well be practicing na ngayon. If you’ll excuse me.”

Pagdating sa arguments, Mom will always be a loser. Kasi naman, nagsasabi lang ako ng totoo. Sino ba naman ang manonood at makikinig sa akin sa church? ‘Yung mga old-fashioned people doon na daig pa ang may lamay kapag kumanta? Further, kaunti lang ang audience ko roon. Kaunti lang ang papalakpak sa akin at magsasabing, “More, Patty. More.” “Job well done, Patty.” “Well sung, Patty.” Anyway, so much for rants. I gonna practice myself pa for my song number na aking ipe-perform sa harap ng 4000 students sa school. And I repeat. 4000 students.

[Angeline Quinto’s “Patuloy ang Pangarap”] “Sa isang pangarap, ako’y maniniwala…ehem, ehem. Ako ay lili…ehem, ehem, ehem…pad at lahat maka..ehem, ehem…kita. Ouch, ang lalamunan ko. Ehem, ehem…Sa isang…Aray. Ang lalamunan ko. [Uubo ng walang humpay, may kasamang pag-iyak]. Bakit ganito ‘to! Effing throat! Ehem. ARRAAYYYY!!  MOM!!!

Nagkaroon ng infection sa aking throat na siyang naging dahilan ng pagkasira ng aking vocal cords. Hindi na ako magiging singer kailanman. Tama nga si Mom. Kay God nga nagmumula ang ating talents. Kung siya ang nagbigay, kaya niya rin itong bawiin kung hindi ito nagagamit ng tama. Well, kaya ko pa naming tumugtog ng piano. I think I can play naman the piano sa church. I’ve just learned my lesson now. From now on, ibibigay ko na ang mayroon ako – talents and everything else – sa Panginoon. To Him and Him alone.

*Originally entitled “Pagkamulat” (Awakening); the official piece for the Declamation Contest of the Berean Youth Contenders’ Talent Festival 2012. The monologue tells the story of Patty Adleo, a young aspiring singer who experienced renaissance after being diagnosed of severe throat infection. As this barred her from singing, she realized that one should use his or her talents for God. After all, He is the source of what we all have.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s