Scarlet

Image

Napatingin si Serge sa bago kong relo, hindi dahil sa pagkamangha kung hindi dahil sa pagkabagot. Technomarine, royal blue. Bigay sa akin ni Mommy noong birthday ko a month ago. “Anong oras na, ‘dre?”

“Alas-singko pa lang. Masyado kang excited. Alam mo namang mamaya pa magsisimula ang promo.”

Mas masaya pa ring maglaro sa computer shops. Kahit may sariling akong PC sa bahay, dinarayo ko pa rin ang Gamers’ Hub. Sa dami ng DOTA players sa loob, tiyak na hindi ka maliligaw. Makaka-relate ka sa mga batang kasama mong nakatunghay sa computer monitor. Alas-sais pa ang ‘one-to-sawa’ promo. Mga isang oras pa kaming maghihintay ni Serge.

“Nabasa mo na ba ang pinababasa sa atin ni Sister Emmy?”

Biglang nagising ang diwa ko. Si Ate Emmy, ang aming butihing Sunday School Teacher. “Hindi pa. Medyo nakalimutan ko na nga kung anong verse ang dapat basahin.”

“’Yung buong chapter ng Leviticus 2. Basa basa rin kasi ng Bible na binili sa iyo ng Daddy mo. Ang cool nga ng Bible mo, eh. May concordance pa at supplementary references.”

Scarlet ang cover. May kalakip na magnifier. Gold-edged pages. May commentaries ni Wiersbe. Wala na akong masasabi pa sa Bible na binili sa akin ni Daddy. ‘Yun nga lang, ang hirap intindihin ng mga salita: Old English, archaic, words. Mala-Shakespeare ang datingan. Ayoko po naman ng Victorian literature. Wait, ayoko pala talaga ng kahit anong literature.

“Eh di magbasa ka ng Tagalog Bible. ‘Yun lang pala ang problema mo. Ganito lang yan: ang mga libro, sinusulat para basahin, hindi para pansalo ng mga agiw at alikabok sa bahay ninyo.”

Si Serge ba talaga ‘tong kausap ko? “Anong nakain mo, ‘Dre? Alam ko naman iyon. Sino bang nagsabing hindi ko binabasa ang Bible ko? Tuwing Sunday School, tuwing Congregational Bible-reading, tuwing Worship Service…di ba nakikita mo naman ako?”

“Nakikita kita, sa church. Pero sa bahay ninyo, hindi. So ibig sabihin, sa Sunday mo lang nabubuklat ang Bible mo?”

May pakiramdam ako na hindi na si Serge ang kausap ko. Dulot marahil ito ng nerbyos sa gagawing DOTA Tournament mamaya sa Hub.

“Masyado lang talaga akong busy sa bahay. Pag may oras naman ako, nagbabasa ako ng kaunting verses. Pero most of the time, sa church ako nakakapagbasa.”

Pagkatapos tumingin sa kawalan, tumingin si Serge pabalik sa akin. Seryoso na siya ngayon, at hindi na nagbibiro. “Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi ni Pastor Lance sa atin noong nakaraang preaching? “Study to show thyself approved unto God” tsaka yung “[a]s newborn babes, desire the sincere milk of the word, that ye may grow thereby…” ‘Di ba, Kiel, gusto mong maging spiritually-mature? ‘Yun yung prayer request mo parati sa Young People, ‘di ba?”

Nakakarindi ang ingay ng mga bumubusinang twelve-wheeler trucks. Tiningnan ko ang aking relo. Thirty minutes before 6pm. Pero biglang nawala sa isip ko ang DOTA Tournament at ang promo. “Yes. Spirutal growth at maturity. Ikaw pa nga ang parating naa-assign na prayer partner ko, remember?”

“So, ano nang ginagawa mo? Sa tingin mo ba, lalago ka kapag puro sarili mo lang ang inaatupag mo? Suggestion lang: everyday, mag-devote ka ng time para magbasa ng Bible. Hindi naman siguro mahirap gawin iyon, di ba, Kiel?”

Kahit magkasing-edad lang kami ni Serge, magkaparehas ng hilig at magkasama sa ilang mga kalokohan, hindi maikakaila na siya ang mas mature sa aming dalawa. Bigla akong natauhan. Tama si Serge. Tama sina Pastor Lance at Ate Emmy. Higit sa lahat, tama ang Bibliya. Sa dami kong sinasayang na oras, ako na marahil ang pinakamaaksayang tao sa buong mundo. Hindi lang oras kung hindi tone-toneladang mga pagpapala ang aking sinasayang.

“Ano, ‘Dre? Alas-sais na! Tara na ba sa Hub? Baka maubusan tayo ng upuan.”

At nang-aasar pa ang isang ito. “Mag-isa ka. Uuwi na ako ng bahay.” Mahaba-habang gabi ito. Paalam muna, sapagkat nahanap ko na ang aking scarlet-covered, gold-edged, Holy Bible. Para sa aking sarili, happy reading.

 

*Monologue to be delivered during the Berean Youth Contenders’ Biblelympics 2013. The piece tells the story of Kiel, a happy-go-lucky Christian who experienced renaissance upon listening to the outbursts of his friend, Serge, regarding the importance of reading God’s word.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s